Title: Sa Banal na Templo
Songbook: Sa Iyong Tahanan
Music by: Justine Cedric C. Espinosa
Transcription: John Paul Alunan
[Refrain]
Purihin ang Diyos sa banal na templo,
purihin S'ya ng lahat ng tao,
pag-ibig Niya ay walang hanggan
hanggang sa araw na 'to ng pagdiriwang!
[Verse 1]
Ang batong tinanggihan,
siya pang batong naging sandigan...
Ito ang gawa ng Poon,
kahanga-hanga sa ating mga mata...
[Verse 2]
Kayo'y ililikha ko
ng bagong puso at espiritu.
Kayo'y magiging aking bayan
at Ako ang inyong Diyos.
[Refrain]
Purihin ang Diyos sa banal na templo,
purihin S'ya ng lahat ng tao,
pag-ibig Niya ay walang hanggan
hanggang sa araw na 'to ng pagdiriwang!
Amen!