Tuesday, December 26, 2023

Sa Sabsaban Aming Alay Lyrics

Isang gabing tahimik, payapa't madilim,
Nabalot ng liwanag, hudyat ng pagdating.
Ikaw ay isinilang, nagkatawang-tao
Nanahan Ka sa amin, naghari sa mundo.

Sa sabsaban, Ikaw ay isinilang
Simula ng ganap na pag-aalay.
Alay namin, aming pusong umiibig,
Sa sabsaban, sa Iyo'y bigay.

Sarili ay inalay upang kami'y matubos,
Pag-ibig Mo'y pinadama, mayaman o kapos.
Panginoon, salamat sa buhay Mong kaloob
Kami ngayo'y lalapit upang maghandog
.
Sa sabsaban, Ikaw ay isinilang
Simula ng ganap na pag-aalay.
Alay namin, aming pusong umiibig,
Sa sabsaban, sa Iyo'y bigay.


Thursday, December 14, 2023

Salubungin ang Kanyang Pagdating

 Titik at Musika: John Michael Dolom, FMI

KORO:
Salubungin ang Kanyang pagdating
Daraana'y Inyong tuwirin
Itaas ang ulo, pagmasdan ang tao
Darating ang kaligtasan ng mundo

Siya na magbibigay ng liwanag
sa lahat ng nasa dilim
Siya na mag-aakay sa lahat
patungo sa kanyang piling

[KORO]


Siya na Anak ng Diyos na banal
Si Hesus, ang tagapagligtas
Siya na Anak ni Mariang mahal,
isisilang sa isang sabsaban

Salubungin ang Kanyang pagdating
Daraana'y Inyong tuwirin
Itaas ang ulo, pagmasdan ang tao
Darating ang kaligtasan ng mundo
Itaas ang ulo, pagmasdan ang tao
Darating ang kaligtasan ng mundo

Thursday, December 7, 2023

Naririto (Zabala) Lyrics

 Naririto
Musika at areglo: Steven C. Zabala

KORO:
O Diyos, naririto ang iyong lingkod;
Kalingain Mo't padalisayin 

V1:
Kaloob mo sa 'ki'y ang 'Yong kabutihan
Aking wiwikain, 'kaw ang aking Diyos
O Panginoon


V2
Ang Iyong biyaya ay kahanga-hanga
Ang lahat sa akin ay ikaw lamang
O aking Poon

V3
Ang 'Yong katapata'y laging umaakay
Pupurihing tunay
ang Iyong ngalan magpakailanman

Koda
O Diyos, naririto ang Iyong lingkod
O aking Diyos, aking Diyos!

Wednesday, December 6, 2023

Ang Tanging Alay (Misa Delgado 3) Lyrics

 Ang Tanging Alay
Lester Frederick G. Delgado

Tanging alay namin
sa hapag Mo'y aming inihain
Ang tinapay na nagbibigay ng buhay
Ang pagkain ng kaligtasan

Aming Ama Inyong tanggapin
Ang aming dalangin
na kaliktasa'y aming marating
Ito ang aming hiling

Tanging alay namin
sa hapag Mo'y aming inihain
Alak na nagbibigay lakas,
Ang inumin ng kaligtasan

Alay Mula sa Puso

Musika ni Eyz A. Ganac
Isinaayos nina Ladicita S. Barcelona at Charlz Ivan A. Mascardo

Sa 'Yo Panginoon, ako'y mag-aalay
ng aking munting kaloob
Aking ihahandog sa Iyo ang buhay ko
Dahil wala akong yamang maibibigay

Ito lamang ang yaman kong maihahandog
Sana'y 'yong tanggapin ang aking munting handog
Buong puso ko at kaluluwa
ay iaalay sa'Yo, aking Panginoon


Sa 'Yo Panginoon, ako'y mag-aalay
ng aking munting kaloob
Aking ihahandog sa Iyo ang buhay ko
Dahil wala akong yamang maibibigay

Ito lamang ang yaman kong maihahandog
Sana'y 'yong tanggapin ang aking munting handog
Buong puso ko at kaluluwa
ay iaalay sa'Yo, aking Panginoon


Iaalay sa 'Yo, aking Panginoon