Saturday, January 2, 2021

Parangal Kay San Antonio Abad Lyrics

 Dakilang bayani ng kabanalang ganap,
Yaman ng mundo’y tinalikdan mong lahat
Ang buhay mong taglay, kay Hesus inilaan;
‘Yan ang yaman mong taglay hanggang sa wakas

Dakila mong puso ay lagi nang may damdam,
Sa pag-ibig at paglilingkod nang tapat
Kaloob n’yang biyaya sa’yo’y naging lakas;
At ‘yong nagapi-ang hari ng dilim

O San Antonio, lingkod ng Panginoon;
Kami’y dumadalangin, kami’y ‘yong kalingain
Sa araw-araw kami’y iyong damayan
Sa aming pagpupuri sa D’yos ng pag-ibig
Kami’y iyong damayan, sa aming pagpupuri
Sa D’yos ng pag-ibig