Saturday, May 24, 2025

O Bunying San Isidro Lyrics

 

O Bunying San Isidro

Kaloy Serviento 

Prof. Angelo V. Cartago

John Paul Alunan


San Isidro aming pintakasi

Ang simbahan ngayo'y nagbubunyi 

Pasasalamat at pagtangi

Sa buhay na 'yong ibinahagi


Yung tupdin ang aming panalangin 

Ilapit kami sa Panginoong butihin 

Dumaloy nawa 

ang biyaya ng Ama na may likha 


Purihin ang Panginoon!

Ngayon at kailanman 

San Isidrong aming hirang

Kadakilaan Mo'y itatanghal 


O Bunying San Isidro,

San Isidro Labrador 

Apat na siglong pamimintuho

Sa 'yong kandili at pag-irog


Purihin ka at ipagdangal 

Sa hanay ng mga banal

Kami'y iyong ipanalangin 

Na amin nang kamtin

Minimithi naming langit 


Tulad Mo kami'y 

Pawang lingkod lamang

Upang Diyos ay mapaglingkuran 

At kung sumapit

Yaring pagpanaw 

Kami'y iyong bendisyunan 

San Isidro kami iyong ingatan!


O Bunying San Isidro,

San Isidro Labrador 

Apat na siglong pamimintuho

Sa 'yong kandili at pag-irog


Purihin ka at ipagdangal 

Sa hanay ng mga banal

Kami'y iyong ipanalangin 

Na amin nang kamtin

Minimithi naming langit 


O Bunying San Isidro 

San Isidro Labrador

Kay Hesus Lamang Lyrics

 Si Hesus lamang ang dahilan ng pagtitipon 

Kaming manlalakbay sa Kanya dumudulog 

Si Hesus lamang tangi naming handog

Para sa kapayapaan ng buong sansinukob ko


Tanggapin Mo't gawing 

Tinapay ng buhay, pagkain sa 'ming

Kalul'wa at katawan 

Tanggapin Mo ang alak ng Bagong Tipan,

Inuming nagbibigay sa 'min ng kalakasan 


Purihin ka Diyos Amang lumikha ng lahat

Ikaw ang aming pag-asa at liwanag

Sambahin ka D'yos Amang mapagmahal 

Sa Iyo kaming lahat ay magdiriwang 


Chorus here


Di man karapat dapat kaming manlalakbay 

Tanggapin Mo ang aming payak na alay

Sa panalangin aming Reyna at Inay,

Dalhin kami kay Hesus ang aming buhay


Chorus here


Inuming nagbibigay sa 'min ng kalakasan

Monday, May 19, 2025

Gifts of Bread of Wine (Dumlao) Lyrics

 Gifts of bread and wine

Gifts of love divine

Take anew this offering

from open hearts and minds


Chorus:

Broken bread, poured out wine

freely offered up in praise

in wondrous sacrifice


Gifts of life we share

Table now prepared

Mystery of love so true

Blest today in pray'r

Tuesday, May 6, 2025

Purihin at Ipagdangal (Ferdinand Bautista) Lyrics

Purihin at Ipagdangal
Si Hesus na poong mahal
Na sa atin ay humirang upang tana'y paglingkuran
Sa hanay ng kaparian.

Iniibig niya tayo at pinalaya sa ting mga sala
Ginawa nya tayo sa liping
Naglilingkod sa Diyos Ama
 ilang mga saserdote (koro)

Anak ng tao'y dumating
paglilingkod ang siyang layunin
Hindi para mangalipin kundi upang maihain
Ang kanyang buhay sa atin (koro)

Sinabi ni HesuKristo
di ninyo pinili ako
Kundi hinirang ko kayo
upang kayo ay humayo
magsipagmungang totoo.

Bulaklak na Alay (Hagonoy, Bulacan) Lyrics

 Bulaklak na Alay
Traditional
Hagonoy, Bulacan
In-edit ni S. Vengco

O Mariang sakdal dilag,
babaeng pinagkapala
Tanging pinili sa lahat
ng Diyos Haring mataas

Itong bulaklak na alay
ng aming pagsintang tunay
palitan mo, O Birheng Mahal,
ng tuwa sa kalangitan

Kaya kami naparito,
aba Inang masaklolo,
Paghahandog pananagano
Nitong bulaklak sa Mayo

Buwan na ito ay mahalaga
at lubhang ka-aya-aya
Pagkat sa 'yo
Senora nahahain sa pagsinta